^

Metro

Ebidensiya ang iprisinta, wag puro ‘satsat’ – PNP

-

Pinalagan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagkuwestiyon ng mga kritiko, panghuli dito ay ang isang dayuhang security expert sa resulta ng imbestigasyon hinggil sa madugong pagsabog sa Glorietta 2 mall sa Makati City na kumitil ng buhay ng 11 katao habang 108 pa ang nasugatan noong nakalipas na taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Barias,  hindi na nagtataka ang PNP sa ipinalabas na komento ng  dayuhang security expert at ng iba pang mga kritiko.

 Patuloy ring naninindigan ang PNP, ayon pa sa opisyal sa pinal nilang report na aksidenteng gas explosion at hindi bomba ang sumabog sa nasabing mall.

Sinabi ni Barias na normal na talaga ang mga “skeptics” o mga taong kahit ano pang paliwanag at iprisintang pruweba ay hindi naniniwala at pinagdududahan ang resulta ng imbestigasyon.

Ginawa ni Barias ang pahayag bilang re­aksyon naman sa sinabi ni International Crisis Group Consultant Kit Collier na iginiit na kailangan linawing mabuti ng PNP ang resulta ng imbesti­gasyon nito matapos na isantabi umano ang pagka­katagpo sa RDX, isang uri ng sangkap ng bomba sa ipinalabas ng mga awtoridad na pinal na report.

Ikinatwiran pa ni Barias na inasahan na ng PNP ang naturang teorya ng foreign security experts  dahil Ayala Land Incorporated (ALI)  ang ku­mon­trata sa mga ito  kaya’t malabong salu­ngatin nito ang naunang teorya ng kompanya.

Duda rin si Barias sa mga ebidensyang naka­lap ng mga foreign experts dahil bago sila puma­sok sa site ay galing na doon ang mga lokal na im­bestigador mula sa binuong Multi Agency Investigating Task Force (MAITF).

Nagtataka rin umano ang opisyal dahil noong una, negatibo ang mga dayuhang security experts na sangkap ng bomba ang sumabog  pero bigla itong nagbago makalipas ang dalawang araw.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay  hini­hintay na lamang ng PNP ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) para sa karagda­gang mga indibidwal na  posible pang masam­pa­han ng kasong administratibo at kriminal ka­ugnay ng Glorietta blast na yumanig sa Makati City noong Oktubre 19, 2007. (Joy Cantos)

AYALA LAND INCORPORATED

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with