Binay commemorative plates, pinasasamsam

 Pinasasamsam ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga gumagamit ng commemorative plates na   “Binay 2010”   sa kanilang mga sasakyan.

Ang kautusan ay pinag-utos ni LTO Chief Reynaldo Berroya   makaraang makarating sa kanyang tanggapan ang naglipanang mga commemorative plates na hindi aprubado ng ahensiya.

Sinasabing ang naturang commemorative plates ay sinasabing hakbangin ng ilang grupo na sumusuporta kay Makati Mayor Jejomar Binay para mapalakas ang planong pagkandidato ng alkalde sa pagka-presidente sa 2010.

Sa kasalukuyan umano, walong commemorative plates lamang ang aprubado ng LTO para magamit sa mga sasakyan para sa St. Scholastica Centennial Celebration; The Kiwanis Club of St. John; University of the Philippines; LTO 95th Founding Anni­ver­sary; Cannonization of Marie Eugenie of Jesus; PGH 100th Anniver­sary Foundation; Manila Science High School at Philippine Practical Shooters Association.

Binalaan ni Berroya ang mga car owners na may Binay 2010 commemorative plates na huwag na itong gamitin para makaiwas sa abala at huli ng kanyang mga tauhan. (Angie dela Cruz)

Show comments