^

Metro

Paglipat ng DAR men sa Mindanao, boluntaryo raw

-

Nilinaw ng pamunuan ng Department of Agrarian Reform na boluntaryo ang gagawing paglilipat ng ahensiya sa mga empleyado mula sa DAR office sa Elliptical road Quezon City puntang Mindanao partikular sa Davao.

Ayon kay DAR Secretary Nasser Pangandaman, ito ay upang hindi naman makaapekto ang kanilang gagawing paglipat ng tanggapan sa mga tauhan na sa Metro Manila nagtatrabaho ang asawa nila o nagsisipag-aral ang mga anak sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Pangandaman na sa katunayan, aabutin lamang ng 50 tauhan mula sa DAR central office QC ang lilipat sa Mindanao at ang 200 tauhan ay magmumula sa Mindanao mismo at ang iba ay karatig lalawigan.

Hindi naman anya  aabandonahin ang gusali ng DAR sa Elliptical road QC dahil dito na mag-oopisina ang DAR Regional Office 4.

Ngayong Enero ay unti unti nang naglilipat ang DAR Central Office sa bagong tahanan nito sa Davao City. (Angie dela Cruz)

CENTRAL OFFICE

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

MINDANAO

NGAYONG ENERO

QUEZON CITY

REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with