Ginahasa bago pinatay? Pulubi sa kanal

Kasalukuyang ini­im­­bes­tigahan ng pu­lisya ang kaso ng isang ba­baeng natagpuang patay at hinihinalang ginahasa bago itinapon sa isang drainage o kanal sa Port Area, Manila kamaka­lawa ng gabi.

Inilarawan ang bik­tima na nasa edad 40 hanggang 45-anyos, nasa taas na 5 talam­pakan, pulubi, nakasuot ng itim na damit at halos nakahubad ang abu­hing short pants.

Sa report ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-8:20 ng gabi nang ma­diskubre ang biktima sa loob ng drainage sa Bonifacio Drive, Delpan Bridge, Port Area.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng mga duma­daang mag­babasura habang bina­bagtas nila ang lugar.

“Akala namin, ba­sura ang nasa loob ng kanal. Nung lapitan namin, nagulat kami dahil tao pala ang nasa loob,” kwento ng basu­rero sa imbestigador.

Agad ipinagbigay alam ng mga nakakita sa himpilan ng pulisya ang nakitang bangkay ng biktima upang maim­bestigahan ito.

Hinala ng mga resi­dente na hinalay uma­ no ang biktima bago itina­pon sa drainage dahil nadis­kubre itong halos naka­hubad na ang pang ibaba nitong kasuotan.

Dinala ang biktima sa Popular Funeral Parlor para sa awtopsiya nito at pagkakakilanlan.

Show comments