Ginahasa bago pinatay? Pulubi sa kanal
Inilarawan ang biktima na nasa edad 40 hanggang 45-anyos, nasa taas na 5 talampakan, pulubi, nakasuot ng itim na damit at halos nakahubad ang abuhing short pants.
Sa report ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-8:20 ng gabi nang madiskubre ang biktima sa loob ng drainage sa Bonifacio Drive, Delpan Bridge, Port Area.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng mga dumadaang magbabasura habang binabagtas nila ang lugar.
“Akala namin, basura ang nasa loob ng kanal. Nung lapitan namin, nagulat kami dahil tao pala ang nasa loob,” kwento ng basurero sa imbestigador.
Agad ipinagbigay alam ng mga nakakita sa himpilan ng pulisya ang nakitang bangkay ng biktima upang maimbestigahan ito.
Hinala ng mga residente na hinalay uma no ang biktima bago itinapon sa drainage dahil nadiskubre itong halos nakahubad na ang pang ibaba nitong kasuotan.
Dinala ang biktima sa Popular Funeral Parlor para sa awtopsiya nito at pagkakakilanlan.
- Latest
- Trending