^

Metro

3 holdaper nalambat

-

Tatlong umano’y hol­daper ang minalas na masakote ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau sa mag­kahiwalay na insidente sa Ermita, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilala ni Ret. Col. Frank­lin Gacutan, Technical Adviser at hepe  ng MTPB ng Manila City Hall, na sina Jesus Mad­riaga, Manuel Padron at Ryan Mesias, miyembro ng  Sigue Sigue Sputnik at pawang residente ng 107 Estrella St. F.B Harisson, Pasay City.

Sinabi ni  Gacutan na  ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ni Roberto dela Cruz, driver ng NICK­MAR taxi.

Sa salaysay ni Dela Cruz, sumakay sa kanya ang mga suspek dakong alas-8:45 ng gabi sa pa­nulu­kan ng Ocampo at Roxas Blvd. sa Malate at nagpahatid sa Quiapo subalit hindi pa man sila nakakalayo nang mag­deklara sila ng holdap at kinuha ang kanyang kita na P730.00.

Napansin naman ng mga Traffic Enforcers na sina Alexander Nacion, Francisco Fetalino at Cesar Villareal ang ko­mos­yon sa loob ng taxi  at sa kabila ng kawalan ng armas ang mga ito ay nagawang madakip ang mga suspek at dinala sa MPD-Station 9 (Malate).

Dakong 1:35 naman ng hapon nang madakip  nina Fetalino, Nacion at Asis si Mesias matapos na humingi ng tulong ang biktimang si Fernandina Jordan na hinoldap at kinuhanan ng N70 na cellphone sa kanto ng Taft Ave. at Vito Cruz. Sina Madriaga, Pad­ron at Me­sias ay sasam­pahan ng kasong robbery- holdup. (Grace dela Cruz)

ALEXANDER NACION

B HARISSON

CESAR VILLAREAL

CRUZ

DELA CRUZ

ESTRELLA ST. F

FERNANDINA JORDAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with