Seaman na nasawi sa Nigeria ‘dumating’

Dumating na kahapon sa Ninoy Aquino International Airport ang bang­kay ng Pinoy seaman na si Vito Cruz na nasawi sa pana­nalakay ng mga mi­li­tan­teng grupo sa isang barko sa Nigeria kama­kailan.  

Kabilang si Cruz sa 19 na Pilipinong seaman na tumalon sa dagat mula sa sina­sakyan nilang tanker na M/T Keno sa River State ng Port Harcourt sa Nigeria makaraang lumu­sob ang mga arma­dong mili­tante at pasa­bugin ang nasabing barko nitong Disyembre 19.

Hindi nakaligtas si Cruz nang malunod sa dagat habang nasagip ang 18 niyang kasama­han. (Ellen Fernando)

Show comments