Kinasuhan ng Pasay City Bureau of Fire ang apat na guwardiya ng Cultural Center of the Philippines na sinasabing nagdamot ng tubig at tumangging magpagamit ng fire hydrants ng CCP sa kasagsagan ng sunog noong nakaraang linggo sa Baclaran Mall.
Nabatid kay Pasay City Fire marshal Sr./Insp. Juanito Maslang na mga kasong paglabag sa Section 9 ng Presidential Decree 1185 ng Fire Code of 1977 ang isinampa laban sa mga guwardiya na hindi muna pinapangalanan.
Sinabi pa ni Maslang na kinasuhan ang mga guwardiya bunsod umano ng pagdadamot at pagtanggi ng mga ito na makipagtulungan sa mga bumbero.
Ang hindi pakikipagtulungan ng mga guwardiya ay naging kontribusyon din para lumaki ang sunog na tumupok sa mahigit sa P90 milyong ari-arian sa nasabing mall.
Nabalam din ang operasyon ng mga dahilan upang tuluyang lumagablab ang apoy sa pagtanggi ng mga guwardiya na magbigay ng tubig. (Rose Tamayo-Tesoro)