^

Metro

Madamot sa tubig, idinemanda

-

Kinasuhan ng Pasay City Bureau of Fire ang apat na guwardiya ng Cultural Center of the Philippines na sinasa­bing nagdamot ng tubig at tu­mangging magpagamit ng fire hydrants ng CCP sa kasag­sagan ng sunog noong naka­raang linggo sa Baclaran Mall.

Nabatid kay Pasay City Fire marshal Sr./Insp. Juanito Maslang na mga kasong pag­labag sa Section 9 ng Pre­sidential Decree 1185 ng Fire Code of 1977 ang isinampa laban sa mga guwardiya na   hindi muna pinapangalanan.

Sinabi pa ni Maslang na kinasuhan ang mga guwar­diya bunsod umano ng pagda­damot at pagtanggi ng mga ito na makipagtulungan sa mga bumbero.

Ang hindi pakikipagtulu­ngan ng mga guwardiya ay naging kontribusyon din para lumaki ang sunog na tumu­pok sa mahigit sa P90 milyong ari-arian sa nasabing mall.

Nabalam din ang operas­yon ng mga dahi­lan upang tu­luyang  lumagab­lab ang apoy sa pagtanggi ng mga guwar­diya na magbigay ng tubig.  (Rose Tamayo-Tesoro)

BACLARAN MALL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

FIRE CODE

JUANITO MASLANG

PASAY CITY BUREAU OF FIRE

PASAY CITY FIRE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with