Trak ng buhangin tumaob sa Edsa, 3 kilometrong trapik inabot ng 5 oras

Nagresulta sa mahigit sa limang oras at may tatlong kilo­­metrong pagbubuhol ng trapiko ang pagtaob ng isang dump truck matapos na bumu­hos pa ang karga nitong buha­ngin sa EDSA-Cubao under­pass ka­hapon ng madaling-araw.

Nakaligtas naman sa ka­ma­­tayan matapos na mag­tamo lamang ng galos ang driver nitong si Jerry Sunga, 28, at pahinante na si Michael Ca­tacutan. Nakatakda na­mang sam­pahan ang mga ito ng kasong reckless impru­dence resulting to damage to pro­perty.

Sa inisyal na ulat ng Que­zon City-Traffic Manage­ment Bureau, naganap ang in­si­dente dakong alas-3 ng ma­daling-araw sa naturang lugar. Ayon kay Sunga, bina­bagtas niya ang EDSA nang bigla umano siyang i-cut ng isang Tamaraw FX sanhi upang ma­gulat siya at diret­song su­malpok ang trak sa poste ng Metro Rail Transit sanhi ng pagtaob nito.

Katakut-takot na perhu­wisyo naman ang idinulot ng naturang insidente makara­ang hindi makaraan ang mga sa­sakyan sa halos magka­bilang panig ng EDSA dahil sa hindi agad naialis ang tumaob na trak at hindi rin natanggal ang buhangin.

Tumagal ang buhol na trapiko ng hanggang alas-8 ng umaga na umabot ng hang­gang EDSA-Quezon Avenue.

Ayon sa mga imbestigador ng Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA), ma­luwag umano ang daloy ng trapiko ng naturang oras kaya hindi kapani-paniwala na ika-cut ito. Maaari umano na na­ka­­idlip ang driver kaya hindi na nito nakontrol ang pagma­maneho.

Nakadaan lamang ang mga sasakyan sa EDSA nang dumating ang tatlong tow truck ng MMDA na humila sa 10-wheeler truck at napala ang toneladang buhangin. (Danilo Garcia)

Show comments