Trak ng buhangin tumaob sa Edsa, 3 kilometrong trapik inabot ng 5 oras
Nagresulta sa mahigit sa limang oras at may tatlong kilometrong pagbubuhol ng trapiko ang pagtaob ng isang dump truck matapos na bumuhos pa ang karga nitong buhangin sa EDSA-Cubao underpass kahapon ng madaling-araw.
Nakaligtas naman sa kamatayan matapos na magtamo lamang ng galos ang driver nitong si Jerry Sunga, 28, at pahinante na si Michael Catacutan. Nakatakda namang sampahan ang mga ito ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City-Traffic Management Bureau, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa naturang lugar. Ayon kay Sunga, binabagtas niya ang EDSA nang bigla umano siyang i-cut ng isang Tamaraw FX sanhi upang magulat siya at diretsong sumalpok ang trak sa poste ng Metro Rail Transit sanhi ng pagtaob nito.
Katakut-takot na perhuwisyo naman ang idinulot ng naturang insidente makaraang hindi makaraan ang mga sasakyan sa halos magkabilang panig ng EDSA dahil sa hindi agad naialis ang tumaob na trak at hindi rin natanggal ang buhangin.
Tumagal ang buhol na trapiko ng hanggang alas-8 ng umaga na umabot ng hanggang
Ayon sa mga imbestigador ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maluwag umano ang daloy ng trapiko ng naturang oras kaya hindi kapani-paniwala na ika-cut ito. Maaari umano na nakaidlip ang driver kaya hindi na nito nakontrol ang pagmamaneho.
Nakadaan lamang ang mga sasakyan sa EDSA nang dumating ang tatlong tow truck ng MMDA na humila sa 10-wheeler truck at napala ang toneladang buhangin. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending