Kasong ‘pandaraya’ vs 13 guro sa Navotas, ibinasura
Tuluyang ibinasura ng piskalya ng
Sa ilang pahinang resolution, na nilagdaan ni Navotas City Chief Prosecutor Jorge Catalan, Jr., lumalabas na ang kasong Tolerance in the Commission of Offense (article 208 of revised penal code) na isinampa ni Sandoval laban sa mga guro ay walang sapat na batayan o ebidensiya, kung kaya’t ito ay ibinasura ng piskalya.
Kabilang sa mga gurong napawalang-sala ay sina Amada Laurel; Cecilia de Castro; Bernarda Aguilar at Maritess Alejandro ng Bangkulasi Elementary School; Marivic Sison; Yolanda Felizardo; Minerva Ocap ng Navotas Elementary School; Mercedita Laureano; Cleofe Enriquez; Maritess Pesare ng San Roque Elementary School; Fe Mondido ng Kaunlaran High School; Teodora Arriesgado ng Dagat-dagatan Elementary School at Susan Mabalot ng Kapitbahayan Elementary School.
Binalewala rin ng piskalya ang akusasyon ng kampo ni Sandoval na may naganap na dayaan na pumapabor sa nagwaging kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod na si Mayor Tobias “Toby” Tiangco.
Napatunayan din sa piskalya na hindi maaring maging batayan ang mga salaysay ng mga watcher ni Sandoval, na tumayong mga saksi ng dating kongresista dahil hindi nagtugma ang mga pahayag ng mga ito laban sa mga gurong inakusahan.
Ikinatuwa naman ng mga gurong inakusahan ang naging desisiyon ng piskalya at sinabi pa ng mga ito na sa pagkakataong ito ay lumabas din ang katotohanan kasabay ng paglilinis sa kanilang mga pangalan sa paratang na ito ni Sandoval.
Kaugnay nito, sinubukan namang kunan ng pahayag si Sandoval hinggil sa naging desisyon ng piskalya sa isinampa nitong kaso ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito nagbibigay ng kanyang panig. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending