^

Metro

Nanggulpi sa anak kinasuhan ni Ai-Ai

-

Nagsampa ng ka­ song kriminal ang aktres na si Ai-Ai delas Alas  sa National Bureau of Inves­tigation (NBI) laban sa isang em­pleyado at security guard ng isang con­venience store ma­tapos na bugbugin umano ng mga ito ang kanyang anak. 

Si Ai-Ai o Eileen delas Alas sa tunay na buhay, ay personal na naghain ng reklamo ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child abuse law, illegal detention at grave threat laban kay Melvin Buceta, empleyado ng Mini Stop convenience store sa P. Noval st., May­nila at sa isang di pa pina­panga­lanang security guard nito. 

Kasama ni dela alas na dumating sa NBI ang kanyang abogada na si Atty. Rowena Guanzon. 

Ayon sa sinumpaang salaysay ng aktres, sinabi nito na naganap ang umano’y pambubug­bog sa kanyang menor-de-edad na anak noong December 8, 2007 kung saan naka-school uni­form pa umano ito ka­sama ang kanyang ka­ibigan. 

Pumasok umano ang anak ni Ai-Ai sa nabang­git na convenience store upang bumili ng pagkain ngunit bigla na lamang umanong hinila ito ni Buceta at ng di pa naki­kilalang guwardiya. 

Pinagbintangan uma­no ng mga suspek ang kan­yang anak na mag­na­nakaw at saka pinag­mu­mura at pinag­susun­tok at hinila papasok sa stock room ng tindahan.

Ilang minuto rin uma­nong ikinulong sa na­banggit na stock room ang anak ni delas Alas at nang ilabas ay binan­taan pa ng guwardya na da­dalhin sa barangay hall upang dito ipakulong. 

Hindi naman ito pi­na­lagpas ni delas Alas at agad na naghain ng rek­lamo sa pulisya upang pro­tektahan umano ang kara­patan ng kanyang anak. (Grace dela Cruz)

AI-AI

MELVIN BUCETA

MINI STOP

NATIONAL BUREAU OF INVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with