Hustisya sa graduating student na namatay sa ligaw na bala
Sumisigaw ng katarungan ang pamilya ng isang 17-anyos na graduating student na namatay matapos tamaan ng ligaw na bala noong bisperas ng bagong taon sa
Dumulog sa Caloocan City Police si Maricel Gabriel, tiya ng biktimang si Ervin Alonso y Gonzales, ng Block 13, Lot 6, Phase II, Casimiro Town Homes, Deparo ng nabanggit na lungsod, upang madakip ang responsable sa pagkamatay ng kanyang pamangkin.
Umiiyak na inilahad ni Gabriel na ga-graduate ngayong Marso sa
Si Ervin ay tinamaan ng ligaw na bala sa bumbunan mula sa kalibre .45 baril dakong alas-11:45 ng gabi noong Disyembre 31, 2007. Isinugod ang biktima sa FEU Hospital at mahigit 10 oras itong nacomatose ngunit binawian din ng buhay dakong alas-10 ng umaga noong Enero 1, 2008.
Umaasa ang pamilya ng binatilyo na hindi sila pababayaan ng pulisya at mahuhuli ang taong responsable sa insidente at mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Ervin. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending