^

Metro

6 holdaper todas sa shootout

- Danilo Garcia -

Patay ang anim na hinihinalang mga holda­per/carjackers, isa dito ay    dating pulis sa isang shootout sa pagitan ng mga tauhan ng Philip­pine National Police (PNP) kahapon ng umaga sa Quezon City.

Isa sa mga nasawi ang nakilala na si Elmer Ramos, lider ng grupo at dati umanong miyem­bro ng Eastern Police District-Drug Enforce­ment Unit; Leonardo  Requina; Rommel  Lingon; isang alyas Mar.

Patuloy namang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng dalawa pa nilang kasamahan 

Sa ulat ng pulisya, naganap ang palitan ng putok dakong alas-9 ng umaga sa P. Tuazon St., La Loma, ng naturang lungsod. Nabatid na naganap ang barilan sa tapat ng isang money changer shop kung saan plano umano ng grupo na kidnapin ang may-ari nito.

Nabatid na una nang humingi ng saklolo ang hindi pinangalanang negosyante sa pulisya kung saan isinumbong ang ginagawang pango­ngotong ng mga ito sa kanya. Nagsagawa naman ng surveillance ang PNP-Traffic Manage­ment Group kung saan nagsagawa ng operasyon matapos na makatanggap ng ulat na plano ng grupo na dukutin na ang negosyante.

Nasabat ng mga pulis ang isang silver na Isuzu Crosswind (CTB-288) sa itinatag nilang checkpoint ngunit agad na pinasibad ito ng mga suspek hanggang sa magkaroon ng maigsing habulan at umano’y palitan ng putok.

Nabatid naman sa berepikasyon sa Land Transportation Office (LTO) na nakarehistro ang plaka ng Crosswind sa isang Isuzu van kaya hinihinala na kinarnap ito ng mga suspek.

Ayon sa pulisya, dati nang nakulong si Ramos sa kaso ukol sa iligal na droga at nang makalabas ay nagtayo ng sarili niyang grupo na sangkot sa carjacking, holdap  at ngayo’y kidnapping. (Dagdag na ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DRUG ENFORCE

ELMER RAMOS

ISUZU CROSSWIND

JOY CANTOS

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with