Misis tiklo sa pekeng P1,000
Iniimbestigahan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang posibilidad na may isang sindikato na nagkakalat ng pekeng pera sa lungsod matapos na isang ginang ang madakip nang tangkaing ipalusot ang pekeng P1,000 nito sa naturang lungsod.
Nakilala ang nadakip na si Jonnalyn Dela Cruz, 31, obrero at residente ng #1764 Rotonda, Taft Avenue, Pasay City. Base sa ulat ng QCPD-Station 10, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng Red Ribbon Bakeshop na matatagpuan sa East Avenue sa nasa bing siyudad.
Nabatid na nagpanggap na kostumer ang suspek at bumili ng chocolate bread sa naturang establisyimento ngunit naging maagap ang kahera kung kaya’t nabuking ang pekeng perang ipambibili
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang suspek para matukoy kung saan nanggaling ang pekeng pera at kung saan na ito nakaabot sa Metro
- Latest
- Trending