Magaling sa bilyar binoga, patay

Nagdulot ng trahedya sa isang 44-anyos na la­lake ang pagiging maga­ling nito sa bilyar matapos itong pagbabarilin hang­gang sa mapatay ng naka­laro nito nang matalo sa pustahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Si Danilo Morales ng Block 60, Lot 20, River­side, Phase 12, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa San Lorenzo Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib at kanang braso.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng man­hunt operation ang mga awto­ridad laban sa hindi pa naki­kilalang  suspek.

Sa imbestigasyon ni PO1 Pidencio Saballo, Jr., ng Caloocan City Po­lice,  na­­ganap ang insi­dente da­ kong alas-8:30 ng gabi sa loob ng isang bil­ya­ran ma­­lapit sa bahay ng biktima.

Base sa pahayag ng mga saksi, unang naki­tang naglalaro ng bilyar ang bik­tima kung saan lagi itong nanalo dahil sa pagi­ging magaling nito.

Dahil dito ay naasar ang suspek na kanyang ka­laro dahil madalas na matalo sa kanilang pus­tahan.

Sa galit na suspek, kinuha nito ang naka­tagong baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima, dahilan upang duguang human­dusay ito.

Hindi pa nakunteto ang suspek, muli nitong pinapu­tukan ang biktima at saka tumakas.

Mabilis na isinugod ang biktima ng ilang mga taong naroroon sa na­bang­git na pagamutan, subalit hindi na naka­rating ng buhay. (Lordeth Bonilla)

Show comments