Regional director ng LTO sinibak

Nagbabala kahapon si Land Trans­portation Office (LTO) chief, Asst. Secretary Reynaldo Berroya na marami pang gugulong na ulo sa ahensya kapag napatunayang sang­kot sa iligal na operasyon matapos na sibakin ang director ng Region 7.

Nabatid na tinanggal na sa kan­yang puwesto at isinasailalim sa im­bes­ti­gas­yon si regional director Alex Leyson ma­tapos na matukoy na siya umano ang nasa likod ng iligal na pag­papa­rehis­tro sa mga luxury vehicles  sa isang car re­pair shop sa Makati City na sinalakay ng Pre­sidential Anti-Smuggling Group (PASG).

Posible rin umanong maharap sa kasong administratibo at kriminal si Leyson at ang mga kasabwat nito kung mapapatunayan ang kanilang pagka­kasala.

Iniimbestigahan rin ng LTO-Secu­rity and Law Enforcement Service ang mga tanggapan nito sa Toledo, Man­daue, Cebu, Talisay and Lapu-Lapu City, lahat sa Region 7 ukol sa natu­rang anomalya.

Nakatakda namang rebisahin ng LTO ang registration procedures  sa mga imported na sasakyan upang ma­tiyak na hindi maipapalusot ang mga smuggled  na mga sasakyan.

Matatandaan na sinalakay ng PASG ang Auto Sports 24 Corp. sa may Pasong Tamo,  Makati City no­ong naka­ra­ang Disyembre at kinum­piska ang 84 luxury at mga sports car na hindi ba­baba sa P5 milyon ang halaga bawat isa. (Danilo Garcia)

Show comments