Regional director ng LTO sinibak
Nagbabala kahapon si Land Transportation Office (LTO) chief, Asst. Secretary Reynaldo Berroya na marami pang gugulong na ulo sa ahensya kapag napatunayang sangkot sa iligal na operasyon matapos na sibakin ang director ng Region 7.
Nabatid na tinanggal na sa kanyang puwesto at isinasailalim sa imbestigasyon si regional director Alex Leyson matapos na matukoy na siya umano ang nasa likod ng iligal na pagpaparehistro sa mga luxury vehicles sa isang car repair shop sa Makati City na sinalakay ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG).
Posible rin umanong maharap sa kasong administratibo at kriminal si Leyson at ang mga kasabwat nito kung mapapatunayan ang kanilang pagkakasala.
Iniimbestigahan rin ng LTO-Security and Law Enforcement Service ang mga tanggapan nito sa
Nakatakda namang rebisahin ng LTO ang registration procedures sa mga imported na sasakyan upang matiyak na hindi maipapalusot ang mga smuggled na mga sasakyan.
Matatandaan na sinalakay ng PASG ang Auto Sports 24 Corp. sa may Pasong Tamo, Makati City noong nakaraang Disyembre at kinumpiska ang 84 luxury at mga sports car na hindi bababa sa P5 milyon ang halaga bawat isa. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending