Sunog sa Baclaran hindi pa maapula

Hindi pa masasabing fire out ang sunog na na­ganap sa Galleria Bacla­ran Shopping Mall na tu­mupok sa may P90 mil­yong halaga ng ari-arian.

Nabatid kay Fire Ins­pector  Dionisio  Mas­lang, ng Pasay City Fire Mar­shall, na hanggang sa ngayon ay hindi pa ma­sabing fire out ang natu­rang sunog na umaabot na sa mahigit 24 oras, dahil  may usok pang lu­ma­labas mula sa na­sabing gusali.

Patuloy pa rin ang usok na lumalabas sa ikalawang palapag ng gusali na rito sinasabing tindahan ng mga damit, pantalon, mga tela at  sa­patos na tinupok ng apoy. Ngunit tiniyak naman ng mga kagawad ng pama­tay sunog na hindi na ito makakaapekto sa mga katabing establisimi­yento dahil  hanggang sa nga­yon ay patuloy pa rin ang  paglalagay ng mga kemi­kal upang makontrol ang apoy.

Inamin ng mga bum­bero na nahirapan sila sa fire control operation, kung saan hindi kaagad sila nakapasok dahil sa sob­rang trapik sanhi ng mga illegal vendor at mga usisero.

Samantala ipapata­wag  ni Fire Supt.  Sophia Men­doza, hepe ng South­ern Fire Bureau Protection si  Maslang  upang hingan ng pali­wanag  hinggil sa uma­no’y  mabagal  na ope­rasyon.

Ayon kay Mendoza, po­­sibleng  hindi  lumaki  ang  apoy  kung naitaas  agad  ang  alarma  dahil  ma­bilis ding nakapag­res­ponde  ang iba  pang mga  ka­­ga­wad ng pama­tay-su­nog  mula sa  iba’t ibang  lugar ng  Metro Ma­nila at sa mga lalawigan. (Lordeth Bonilla)

Show comments