^

Metro

1,000 isnaberong taxi driver pinarusahan

-

Magsilbi  sanang ba­bala sa mga isnaberong taxi driver na namimili ng mga pasahero ang ipina­taw na parusa ng Land Transportation Office (LTO) sa higit 1,000 tsuper na na­patunayang umabuso par­tikular nitong lumipas na panahon ng Kapas­kuhan.

Ipinatawag ng LTO ang nasa 1,350 mga taxi dri­vers dahil sa akusasyon ng kanilang pag-abuso mula sa pamimili ng pasahero, pagpapakontrata, hindi pag­hahatid sa tamang destinasyon, depektibong metro at pambabastos sa mga pasahero.

Sinabi ni LTO executive assistant Bong Quiambao, pinutakti ng napakaraming reklamo ang kanilang ahensya buhat sa mga galit na pasahero.

Kabilang sa parusang ipinataw ni LTO chief Rey­naldo Berroya ang suspen­syon sa lisensya ng mga tsuper sa loob ng isang buwan at pagbabayad ng multang P1,500 para sa mga unang paglabag; anim na buwang suspensyon sa ikalawang paglabag at total na pagkansela sa lisensya sa ikatlong paglabag.

Nagbabala rin si Berro­ya sa mga taxi driver na pa­tuloy ang implementasyon ng “Oplan Isnabero” sa bu­ong taon at hinikayat ang publiko na lumapit sa LTO upang magreklamo at ituloy ang kanilang kaso hanggang matapos ang pagdinig upang mabigyan ng leksyon ang mga buwa­yang tsuper. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BERRO

BERROYA

BONG QUIAMBAO

DANILO GARCIA

IPINATAWAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OPLAN ISNABERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with