^

Metro

Sa Piyesta Sa Quiapo: Black Nazarene, hindi na ipuprusisyon

-

Hindi umano masisila­yan ng  libu-libong deboto  sa prusisyon ang Poong Na­­zareno kaugnay ng  ka­pis­tahan nito sa Enero 9.

Ito ang nabatid mula  kay  Msgr. Jose Clemente Ignacio, Parish Priest ng   Minor Basilica of the Black Nazarene bunsod na rin ng naganap na aksidente noong Enero 1 kung saan anim  na deboto ang   na­su­gatan matapos na ma­gulungan ang kanilang mga paa ng karosa ng na­sabing Poon.

Ayon kay Ignacio, sini­siguro lamang nila ang  ka­pakanan ng mga sasama sa prusisyon upang ma­iwa­­san ang anumang  mga  aksidente. Ipinasya nilang  huwag na lamang iprusis­yon ang Black Naza­rene dahil na rin sa aksi­dente na nangyayari taun-taon sa ka­pistahan ng Nazareno.

Kasabay nito, ipina­aalis na rin ng Manila City Go­vern­ment at event orga­nizer ang stage sa Plaza Mi­randa  na nasa harap ng   simbahan ng Quiapo upang  hindi na makaabala pa  sa prusisyon. Subalit ang  desisyon  ni Ignacio ay mariin na­mang tinutulan ng ilang deboto. Ayon kay Boy Santos, matagal na siyang sumasama sa  pru­sisyon  at tradisyon na ang pag­labas ng Poong Naza­reno at pagsama nito sa  prusisyon. (Doris Franche)

AYON

BLACK NAZA

BOY SANTOS

DORIS FRANCHE

ENERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with