Libong pasahero na-stranded sa MRT

Libong commuters ng Metro Rail Transit (MRT) ang kumpirmadong na-stranded sa kahabaan ng Taft station sa Pasay City ma­tapos pumalya ang kur­yente kaya magkaroon ng short circuit at tuluyang huminto ang isa sa mga tren kahapon.

Ayon kay MRT General Manager Roberto Lasti­moso, dakong alas-12:30 ng madaling-araw kaha­pon, bahagyang naayos at maibalik ang operasyon ng MRT, bagama’t pansaman­talang pinaikili muna ang oras ng biyahe hangga’t hindi pa ganap na naayos ang depekto nito.

Ayon sa ulat, ilang beses na natigil ang mga biyahe ng lahat ng tren ng MRT mula pa kamakalawa kung saan ay tuluyang tumirik ang isa sa nasabing sasakyan sa istasyon sa kahabaan ng Pasay Taft kaya mapilitan ang mga pasahero na bumaba at maglakad.

Napag-alaman na nag­karoon ng pagpalya ng kuryente na nagpapatakbo ng tren kaya nagka-short circuit at maapektuhan ang biyahe nito.

Nangako naman ang pamunuan ng MRT na mas pag-iibayuhin pa nila ang serbisyo sa loob ng taong ito upang maiwasan ang anumang aberya. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments