Libong pasahero na-stranded sa MRT
Libong commuters ng Metro Rail Transit (MRT) ang kumpirmadong na-stranded sa kahabaan ng Taft station sa Pasay City matapos pumalya ang kuryente kaya magkaroon ng short circuit at tuluyang huminto ang isa sa mga tren kahapon.
Ayon kay MRT General Manager Roberto Lastimoso, dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon, bahagyang naayos at maibalik ang operasyon ng MRT, bagama’t pansamantalang pinaikili muna ang oras ng biyahe hangga’t hindi pa ganap na naayos ang depekto nito.
Ayon sa ulat, ilang beses na natigil ang mga biyahe ng lahat ng tren ng MRT mula pa kamakalawa kung saan ay tuluyang tumirik ang isa sa nasabing sasakyan sa istasyon sa kahabaan ng Pasay Taft kaya mapilitan ang mga pasahero na bumaba at maglakad.
Napag-alaman na nagkaroon ng pagpalya ng kuryente na nagpapatakbo ng tren kaya nagka-short circuit at maapektuhan ang biyahe nito.
Nangako naman ang pamunuan ng MRT na mas pag-iibayuhin pa nila ang serbisyo sa loob ng taong ito upang maiwasan ang anumang aberya. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending