Halos matanggal ang dalawang daliri sa kanang paa ng isang police inspector makaraang masabugan ng paputok, habang naglalakad papauwi ang biktima sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela General Hospital, ang biktimang si P/Insp. Ester Casanova, hepe ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) sa Valenzuela City.
Si Casanova nakaunipormeng naglalakad mula sa himpilan ng pulisya ay nasugatan ng paputok na “pla-pla” sa kanyang paa matapos na hagisan ng suspek na si Renan Bautista na ngayon ay nakapiit.
Sa himpilan ng pulisya, abut-abot ang pagsisisi at paghingi ng tawad ng suspek sa biktima subalit sa halip na patawarin ay kinasuhan niya ito. (Lordeth Bonilla)