^

Metro

Nakawan dinedma ng kapitbahay

-

Dumulog kahapon sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section ang isang kawani ng Malabon City Hall na natangayan ng tinatayang P500,000 halaga ng salapi, alahas at iba pang ari-arian ng hindi nakilalang mga suspek sa tahanan nito sa Sampaloc, Maynila, sa ulat kahapon.

Idineklara ng complainant na si Yolanda David, 43, steno­grapher ng Malabon City Hall at residente ng 1640 Ibarra St., Sampaloc, Maynila, na halos nilimas ang mahahalagang ari-arian nito habang walang tao sa kaniyang bahay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Virgo Villareal, nasa pagitan ng alas-3 at alas-7 ng gabi kamakalawa nang maganap ang panloloob.

Kabilang sa mga natangay ang cash, alahas, video camera at ilan pang mga mamahaling gamit.

Ang pagkasira ng pintuan at nawasak na susian ng pintuan sa bahay ng biktima ay indikasyon umano na pwersahan at lumikha ng malakas na ingay sa mga kalapit na kapitbahay ng biktima subalit mistulang pinabayaan lamang na maganap umano ang krimen.

Maari din umanong may nakakaalam o kasabwat sa kan­yang mga kapitbahay dahil hindi umano nangyari ang nakawan sa oras na maraming tao sa kanilang lugar sa kalye kung ganoon kalakas ang pananadyak upang magiba ang pintuan at tuluyang mapasok ang kabahayan ng mga suspek.

Nabatid din sa biktima na noong Setyembre lamang sila ng 2007 nakaupa sa nasabing lugar at hindi gaano kakilala ang mga kapitbahay.

May kinalaman man o wala ang kanilang mga kapit­bahay, lumalabas na dinedma o ‘walang paki’ lamang ang mga ito kahit ang baguhang kapitbahay ay ninanakawan.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ni Villareal ang insidente upang mapanagot ang mga kawatan habang inihahanda naman ang kasong robbery inhabited laban sa matutukoy na suspek o mga suspek. (Ludy Bermudo)

CITY HALL

IBARRA ST.

LUDY BERMUDO

MALABON CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with