^

Metro

100 pulis ikinalat vs paputok

-

Isandaang pulis ang iki­nalat simula kahapon sa Mari­kina upang ipatupad ang “Oplan Silent Night” na ipinag-utos  ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Supt. Sotero Ramos, hepe ng Marikina Police, ang nasabing bilang ng kapulisan ay mula sa 16 na police community precinct at Special Weapons and Tactics na siyang mangangalaga sa kalsada upang mang-aresto ng mga residenteng gagamit ng mga ipinagba­bawal na paputok sa pagsa­lubong sa Bagong Taon.

Nakasaad sa kautusan ang pagbabawal sa mga paputok kabilang ang pla-pla, og, sawa o kahit ng watusi.

Hinimok naman ni Fer­nando ang mga residente na huwag ng magpaputok at mag-isip na lamang ng alter­natibong pa­raan para masa­yang salu­bu­ngin ang Bagong Taon ka­tulad ng pagbusina sa kani­lang sasakyan, torotot at iba pa.

Bukod sa mga ito ay may mga libreng concert at fireworks display pa na isina­gawa ang pamahalaang lung­sod para sa ikasasaya ng mga residente. (Edwin Balasa)

AYON

BAGONG TAON

EDWIN BALASA

MARIKINA POLICE

OPLAN SILENT NIGHT

SHY

SOTERO RAMOS

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with