^

Metro

Empleyada ng Customs niratrat ng magnanakaw

-

Patay ang  isang ginang na empleyada ng Bureau of Customs matapos na pagbabarilin ito ng mga armadong suspek  makaraang  pagnakawan ng mga ito ang kanyang  tahanan sa Parañaque City  kahapon ng madaling-araw.

Agad na nasawi sa mis­mong pinangyarihan ng insi­dente ang biktimang si Diane Lim, 28, dahil sa mga tinamo nitong tama ng mga bala sa katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Batay sa ulat ng Para­ñaque Police, tinatayang alas-12 ng madaling-araw nang sapilitang pasukin ng apat na armadong kalalakihan  ang bahay ng biktima sa 29 A. Mabini St.,  Fortunata Village.

Nabatid na tanging ka­tulong at dalawang mga anak nito na pawang may mga edad na 1-anyos at 3-anyos ang kasama ng biktima sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ito ng mga suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

BUREAU OF CUSTOMS

DIANE LIM

FORTUNATA

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with