Dalaga grinipuhan

Isang  27-anyos na dalaga ang pinatay sa saksak ng kanyang live-in partner  mata­pos magtalo ang mga ito sa loob ng kanilang inuupahang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City .

Hindi umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng  mga tinamong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang ka­tawan ang biktimang si Melody Sta. Teresa, 27, ng Dagat-Dagatan, Barangay Longos ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang  suspek na si Baltazar Acol, Jr., 26.

Ayon kay Marvin Rosell, kalapit kuwarto ng mag-live-in partner, narinig niyang sumisi­gaw  at humihingi ng tulong ang biktima  kaya agad niyang tinungo ang inuupahang bahay ng dalawa.

Pero hindi niya mabuksan ang pintuan ng inuupahang kuwarto ng mag-live-in partner kaya  humingi siya ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang wasakin nila ang pinto, Tumambad sa kanila ang biktima na naliligo sa sariling dugo na agad na isi­nugod sa nabanggit na paga­mutan subalit hindi ito umabot ng buhay  habang ang suspek ay hindi na inabutan at mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.  (Lordeth Bonilla)

Show comments