^

Metro

Nambugbog ng 14-anyos: Mayor inireklamo

-

Inireklamo kahapon sa Quezon City Police Dis­trict ng isang 49-anyos na lalaki at isang 14-anyos na binatilyo ang isang alkalde ng Lanao del Sur dahil sa pambu­bugbog nito sa kanila sa isang insidente sa trapiko kamakalawa sa naturang lungsod.

Nakilala ang inirekla­mo na si Mayor Ameno­din Sumagayan, resi­dente ng #64 4th street, Marawi City habang na­dakip naman ang driver nito na si Alimonan Usodan, 46, may-asawa at residente ng Poblacion East La­gawe, Ifugao Province.

Itinago sa alyas na Robin ang binatilyong biktima. Kinilala ang isa pa na si Gonzalo Men­doza ng San Rafael, Bula­can at driver ng JMA bus lines.

Sa ulat ng QCPD-Station 10, naga­nap ang insidente dakong ala-1:30 kama­ka­lawa ng hapon sa EDSA North bound sa may Brgy. Pinagkaisa­han. Nabatid na na­sanggi uma­no ng mi­nama­ne­hong bus ni Mendoza ang Honda Civic (ZBW-417) na sakay ang alkalde.

Dito bumaba si Uso­dan at nakipagtalo kay Mendoza hanggang sa humantong sa panunun­tok umano ng una. Uma­wat ang binatilyo ngunit bumaba rin umano si Mayor Sumagayan at ang binatilyo naman ang pinagsusuntok. Iginiit pa ni Mendoza na sinakal rin umano siya ng mga suspek.

Itinanggi ni Sumaga­yan ang mga akusasyon laban sa kanya at sina­bing natabig lamang umano niya ang binatilyo at hindi binugbog. (Danilo Garcia)

ALIMONAN USODAN

CITY

DANILO GARCIA

HONDA CIVIC

IFUGAO PROVINCE

MENDOZA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with