800 sako ng semento itinakbo ng drayber

Umaabot sa P200,000 ha­laga ng semento ang natangay ng isang drayber makaraang itakbo nito ang may 800 sako ng semento na nakalagay sa trak sa ginagawang mall ka­makalawa sa Marikina  City.

Kinilala ang suspek na si Alexander Bulair, may asawa at residente ng Palmera 6 Brgy. Dolores Taytay, Rizal. Ito ngayon ay pinaghahanap ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) dahil sa gina­wang krimen.

Ayon kay SPO1 Geminer Tigne, imbestigador ng EPD, nagtungo sa kanilang tang­gapan si Domingo Cruz 43, liason officer at representative ng Peaksun Enterprises and Export Corp upang iulat ang gi­nawang pagnakaw ng se­mento at pagtangay ng trak ng suspek. Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang ilabas ng suspek ang trak na may lamang semento. (Edwin Balasa)

Show comments