^

Metro

Mga baril ng pulis binusalan

- Danilo Garcia -

Sinimulan nang busalan ang mga baril ng mga pulis sa Metro Manila bilang pag-iwas ng National Capital Region Police Office sa posib­leng aksi­dente sa pagpapa­putok ng baril sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Una nang binusalan ng  masking tape ni Southern Police District Director C/Supt. Luizo Ticman ang mga baril ng kanyang mga  tauhan kahapon sa kabila ng pro­testa ng mga ito na dapat daw ay pagkati­wa­laan sila na hindi na magpa­paputok.

Binusalan na rin naman ni Quezon City Police District Director Sr. Supt. Magtang­gol Gatdula ang baril ng kanyang mga tauhan kagabi habang  nakatakda namang sumunod ang pamunuan ng Eastern Police District, Manila Police District at Northern Police District.

Nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad ang NCRPO sa buong Metro Manila ngunit iginiit ni Director Geary Barias na wala naman silang natatanggap na banta ng mga terorista.

Nadagdagan na rin na­man ang puwersa ng NC­RPO sa pagtatalaga ng 700 mga ba­gong recruit na pulis sa Metro Manila bilang una nilang “assignment”.

Sinabi ni Barias na ita­talaga ang mga bagitong pulis sa limang distrito sa Metro Manila matapos na maka­panumpa sa kanilang tung­kulin. Karamihan sa mga ito ay ilalagay sa “foot patrol” at mga “checkpoints”.

Nagpalabas na rin ang NCRPO ng “undercover” na mga tauhan at nagpakilos ng mga sibilyang impormante upang magmatyag at mag­suplong sa mga pulis na lala­bag sa patakarang bawal mag­paputok ng baril sa pagdiri­wang ng pagpasok ng Bagong Taon.

BAGONG TAON

DIRECTOR GEARY BARIAS

EASTERN POLICE DISTRICT

LUIZO TICMAN

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with