Lalaki pinasabog ang bungo

Sabog ang bungo ng isang 19 -anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa naki­lalang mga armadong suspect sa Quezon City kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala  ang biktima na  si Jove Morales at residente ng  #049 Katipunan St. Brgy. Com­monwealth ng nasabing lung­sod. Bandang alas-2:40 ng ma­daling-araw ng maganap ang pa­mamaslang sa biktima sa tapat  ng #157 Bicol St. kanto ng Leyte St. sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang  nakikipag-kuwen­tuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang lapitan ng dalawang suspect na aramado ng mga baril at saka pinaulanan ng bala ng baril ang una. Mabilis na­mang nagsita­kas ang mga suspect matapos ang isinaga­wang pamamaril.

Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbes­tigasyon ang pulisya upang matukoy at ma­panagot sa batas ang mga suspect. (Joy Cantos)

Show comments