^

Metro

Nangulit ng ‘tagay, napatay

-

Isa ang patay, habang da­lawa naman ang malubhang nasuga­tan nang magsagu­paan ang dalawang grupo ng kalala­kihan na nagsimula sa pangu­ngulit umano sa  ‘tagay’  ng na­sawi sa  isa sa mga suspect, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang si Marlon Gabu­han, 24, ng Block 255 Lot 31, General St., Emerald Compound, Brgy. Pembo ng na­banggit na lungsod bunga ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito, habang kritikal na­man ang kapitbahay at ka­inu­man nitong si Arnold Calde, 24, miyembro ng Philippine Army.

Sugatan din sa insidente ang isa sa kanilang nakasa­gupa na si Virgilio Matubis na may tama rin ng saksak sa katawan, habang kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang kapatid nitong si Chris, mga kasama­hang sina Serafin Cantor at Bernie Canuto na pawang naninirahan din sa Emerald Compound ng Brgy Pembo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-iinu­­man ang grupo nina Gabu­han at Calde sa tapat ng kani­lang bahay dakong alas-9 ng gabi nang mapadaan si Chris Matu­bis at inalok ng tagay ng nasawi.

Tumanggi umano si Matu­bis subalit kinulit siya at pinilit ng nasawi na tumagay ng alak hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Umuwi umano si Matubis at nagsumbong sa kanyang ka­patid at kabarkada at nang muling bumalik ang mga ito ay agad nilang niresbakan ang da­lawa gamit ang mga patalim.

Hindi naman nagpasindak sina Gabuhan sa mga lumu­sob na suspect at lumaban din ng sabayan ang mga ito hang­gang sa magkaroon ng uma­atika­bong bakbakan na nag­resulta naman sa pagkasawi ng una at malub­hang pagka­sugat nina Calde at Matubis. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARNOLD CALDE

BERNIE CANUTO

BRGY PEMBO

CALDE

CHRIS MATU

EMERALD COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with