^

Metro

Lugaw, noche buena ng 300 pamilyang nasunugan

-

Nagkasyang magdiwang ng kanilang Pasko ang mahigit sa 300 pamilyang nasunugan kamakailan sa loob mismo ng evacua­tion center sa pamamagitan ng pagkain ng lugaw at iba pang bigay na mga pagkain, kahapon sa Pasay City.

Ang nasabing mga pamilya ay kasalukuyan pa ring nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Pasay City. Na­walan ng tirahan ang mga biktima makaraang masunog ang kanilang mga bahay sa G. Villanueva St., ng nasabing lung­sod bago pa man mag-Pasko.

Matatandaan na una nang inatasan ni Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad ang mga kawani ng DSWD upang kupkupin ang mga nasunugan sa pagbibigay ng medisina at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga residente lalo na ang mga bata na pansamantalang tumutuloy sa gymnasium ng Epifanio delos Santos Elementary School ng lung­sod.

Magugunita na noong Disyembre 18, dakong alas-5 ng hapon ay naabo ang may 100-kabahayan nang sumiklab ang apoy sa bahay ni Evelyn Morales sa 307 G. Villanueva St., habang naglalaro ng kandila ang dalawang bata kung saan dumikit ang apoy sa kurtina na nakalapat sa dingding. (Rose Tamayo-Tesoro)

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EVELYN MORALES

PASAY

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

PASKO

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOS ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with