^

Metro

Presyo ng mga pagkain sa Pasko tumaas nang 7%

-

Tumaas umano nang lima hanggang pitong por­siyento ang presyo ng  mga pagkaing karaniwang iniha­handa tuwing Noche Buena o sa mga okasyong may kaugnayan sa Kapaskuhan.

Ito ang napansin ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry na nagsabi pa na, kumpara noong Pasko ng taong 2006, tumaas ngayon nang limang porsiyento ang presyo ng ilang pagkain.

“Nagtaasan, mga 5 to 7 percent, siguro maximum P5 compared sa presyo niya noong nakaraang Pasko, dahil nagtaas ang demand, nagtaas ang presyo ng Noche Buena products,” sabi ni Victorio Dimagiba, director ng Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection ng DTI sa isang panayam ng dzBB radio.

Kabilang anya sa mga produktong ito ang keso, ham, pasta, noodles, cream at tinapay. Pero ipina­liwanag niya na artipisyal lang ang pagtaas ng presyo ng mga ito dahil sa dami ng bumibili nito ngayong panahong ito.

Sinabi ni Dimagiba na umaasa ang pamahalaan na magiging maayos muli ang presyo pagkatapos ng Kapaskuhan.

BUREAU OF TRADE REGULATION AND CONSUMER PROTECTION

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIMAGIBA

KABILANG

KAPASKUHAN

NOCHE BUENA

PASKO

VICTORIO DIMAGIBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with