Isa ang patay samantalang isa pa ang nasugatan matapos umano ang onsehan sa larong cara y cruz kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa Maynila.
Namatay habang ginagamot sa San Juan Hospital ang biktimang si Carlito Guitang, may-asawa, isang fabricator ng Old Sta Mesa, Manila sanhi ng saksak at palo ng tubo sa katawan habang ginagamot din sa naturang ospital ang anak nitong si Carwing,15, na nagtamo naman ng saksak sa katawan at kamay.
Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Jonet Hernandez, 30.
Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa larong cara y cruz ang biktima at ang suspek hanggang sa maganap ang krimen. (Gemma Amargo-Garcia)