Mababawasan ng 30 minuto ang oras ng operasyon ng Light Rail Transit simula Disyembre 24 at 31. Sinabi ni Land Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades Robles na ang linya ng LRT-1 ay mahihinto ang operasyon simula ng alas-9 ng gabi imbes sa da ting oras nitong alas-9:30 ng gabi sa mga nabanggit na araw.
“Mas maaga umuuwi ang tao kaya normally 30 minutes earlier than usual, ang 9:30 magiging 9 p.m. sa 24 at 31 ng Disyembre,” ayon kay Robles.
Hindi naman nilinaw ni Robles kung ang pinaikling oras ng operasyon ay gagawin din sa LRT line 2 na sumasakop sa Quezon City, Pasig, Marikina, San Juan at Manila.
Inamin naman ni Robles na ang LRT-1 ay kinakailangang ipagawa at itaas ang antas partikular ang isang couches ay nasira ang brakes locked kamakailan lamang. Dahil sa insidente ay natigil ang LRT-1 operation ngunit ito ay nagawa na nito pang nakaraang Huwebes ng gabi.
“Ang LRT-1 pinakamatandang light rail system sa Asya,” pahayag pa ni Robles. Ang LRT-1 ay ginawa noon pang 1984. (Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)