^

Metro

30 minuto iigsi ang biyahe ng LRT

-

Mababawasan ng 30 minuto ang oras ng operasyon ng Light Rail Transit simula Dis­yembre 24 at  31. Sinabi ni Land Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades Robles na ang linya ng LRT-1 ay mahihinto ang operas­yon simula ng alas-9 ng gabi imbes sa da­ ting oras nitong alas-9:30 ng gabi sa mga na­bang­git na araw.

“Mas maaga umu­uwi ang tao kaya nor­mally 30 minutes earlier than usual, ang 9:30 magiging 9 p.m. sa 24 at 31 ng Dis­yembre,” ayon kay Robles.

Hindi naman nili­naw ni Robles kung ang pinaikling oras ng operasyon ay gagawin din sa LRT line 2 na sumasakop sa Que­zon City, Pasig, Mari­kina, San Juan at Manila.

Inamin naman ni Robles na ang LRT-1 ay kinakailangang ipa­gawa at itaas ang antas partikular ang isang couches ay na­sira ang brakes locked kamakailan lamang. Dahil sa insidente ay natigil ang LRT-1 ope­ration ngunit ito ay nagawa na nito pang nakaraang Huwebes ng gabi.

“Ang LRT-1 pinaka­matandang light rail system sa Asya,”  pa­hayag pa ni Robles. Ang LRT-1 ay ginawa noon pang 1984. (Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)

ADMINISTRATOR MELQUIADES ROBLES

ANGIE

ASYA

CRUZ

LAND RAIL TRANSIT AUTHORITY

LIGHT RAIL TRANSIT

LORDETH BONILLA

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with