^

Metro

Anak ipinagtanggol ang ama, nakapatay

-

Nas malubhang kalagayan ang isang ama ng tahanan matapos na pagtulungang bugbugin ng isang grupo ng kalalakihan kamakailan sa Ca­loocan City.

Bukod sa bugbog, pinagpa­palo pa ng mga lasing na suspect ang biktima si Jose Bermejo, 57, ng Midway Park Subdivision, Quirino Avenue, Novaliches, Caloocan City. Kahit nawalan na ng malay ay hindi pa rin ito tinigilan ng mga suspect at natigil lamang ang pagpapahirap dito nang dumating at sumaklolo ang anak ng biktima na nakilalang si Erwin Bermejo, 23, kung saan nasaksak nito ang suspect.

Nabatid sa ulat, na nauna rito, nag-iinuman umano ang mga suspect at ng malasing ay pinag­diskitahang pagbabatuhin ang bahay ng matandang Bermejo. Nang sitahin ng biktima ang grupo ay siya naman ang pinagbalingan ng mga ito na pinagtulung-tulungang bug­bugin. “Pinagtanggol lang ni Erwin ang kan­yang ama, kaya niya nagawa ang ganoon, kahit sino pa­patay para iligtas ang magulang,” pahayag ng isa nitong kaibigan.

vuukle comment

BERMEJO

BUKOD

CALOOCAN CITY

ERWIN

ERWIN BERMEJO

JOSE BERMEJO

KAHIT

MIDWAY PARK SUBDIVISION

QUIRINO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with