Muling nakaiskor ang grupo ng mga carjacker matapos na tangayin ang isang bagong luxury car ng isang negosyante kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.
Kinilala ang biktima na si Leonardo Padilla, may ari ng bagong Mazda 6 na may plakang ZJP-817.
Ayon sa ulat, naganap uma no ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw ng iparada ng biktima ang nasabing kotse sa kahabaan ng Haig St., Brgy Daang Bakal ng lungsod na ito.
Hindi pa nakakaba ng kanyang sasakyan ang biktima ng biglang dumating ang isang Honda Civic na walang plaka lulan ang tatlong hindi pa kilalang kalalakihan at isa dito ang tumutok ng baril sa ulo ng biktima.
Dahil sa pagkabigla ay walang nagawa ang biktima kaya mabilis na itong bumaba ng kanyang sasakyan at ibinigay sa mga biktima.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang paglutas ng kaso. (Edwin Balasa)