^

Metro

Carjackers umiskor sa Mandaluyong

-

Muling nakaiskor  ang grupo ng mga carjacker  matapos na tangayin   ang isang bagong luxury car ng isang negosyante kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Padilla, may ari ng bagong Mazda 6 na may plakang ZJP-817.

Ayon sa ulat, naganap uma­ no ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw ng ipa­rada ng biktima ang nasabing kotse sa kahabaan ng Haig St., Brgy Daang Bakal ng lungsod na ito.

Hindi pa nakakaba ng kan­yang sasakyan ang biktima ng biglang dumating ang isang Honda Civic na walang plaka lulan ang tatlong hindi pa kila­lang kalalakihan at isa dito ang tumutok ng baril sa ulo ng biktima.

Dahil sa pagkabigla ay walang nagawa ang biktima kaya mabilis na itong bumaba ng kanyang sasakyan at ibini­gay sa mga biktima.

Nagsasagawa na ng ma­susing imbestigasyon ang pu­lisya para sa agarang paglutas ng kaso.  (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BRGY DAANG BAKAL

EDWIN BALASA

HAIG ST.

HONDA CIVIC

LEONARDO PADILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with