^

Metro

Illegal recruiter timbog ng NBI

- Ni Grace Dela Cruz -

Isang illegal recruiter ang naaresto  ng mga ahente ng Na­­tional  Bureau of Investi­gation (NBI) matapos gawin nitong pros­titute ang mga Pili­pinang nag­tutungo sa Malay­sia sa isi­na­gawang  entrap­ment  operation.

Kinilala ni NBI Director  Nestor Mantaring ang na­ares­tong suspek na si Evan­geline Cruz Manapsal, alyas “Gemma”, 37-anyos at resi­dente ng  57 Balingasa  St., Balintawak,QC.

Kasamang naaresto  ni  Manapsal ang kapatid nitong si Arlene Lucio na siyang sumu­sundo ng mga iniha­hatid  na Pili­pina sa Malaysia at siyang contact sa naturang  bansa.

Samantala, tinutugis naman  ng mga  ahente  ng  NBI Anti-Human Trafficking  Di­vi­sion (AHTRAD) ang tat­lo pang sus­pek na may alyas   na “Achung”, “Tommy” at “Atchuan” na  kapwa  resi­dente ng  Malay­sia pero pa­balik-balik  sa  bansa.

Nalaman  sa reklamo  ni Rachel Macaranas ni-recruit umano siya  ni Manapsal para  magtrabaho  bilang enter­tainer  sa  Malaysia at   maka­ka­tang­gap umano siya ng  sahod  na P4,500 hanggang P6,500 kada   araw na  kita.

Si  Manapsal  umano ang  nag-ayos  ng mga  travel docu­ment ni Macaranas at maka­lipas  ang anim na buwan ay  ipi­nabatid  sa kanya ni Manapsal na sa Disyembre 14 na ang  kan­yang alis patu­ngong Malaysia.

Gayunman, hindi natuloy ang pagbiyahe ni Macaranas  sa   Malaysia matapos  duma­ting  ang kanyang kapatid na ni-recruit din ni Manapsal noong  nakalipas  na taon para  magtra­baho sa Malaysia kung saan  sinabi nito  na  siya ay  ginawang  sex slave at  na­katakas lamang  siya  kasama ang  ilan pang ni-recruit.

Kaagad  ipinaalam ni  Ma­ca­ranas  sa NBI  ang  nangyari sa   kanyang  kapatid na  nag­plano ng isang  entrapment  operation at   naaresto ang  suspek.

Nahaharap  ngayon   sa  ka­song  paglabag sa  RA9208 (Anti-trafficking  person ACT), paglabag  sa RA8042 migra­tion  act  at  estafa ang mga suspek.

ANTI-HUMAN TRAFFICKING

ARLENE LUCIO

MANAPSAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with