^

Metro

Coaching staff sa SEA Games, inaresto sa NAIA

-

Inaresto ng mga operatiba ng PNP-CIDG ang isang  coaching staff ng  Philippine team  sa kata­tapos na South­east Asian Games (SEAG) dahil sa kasong illegal recruitment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating ito sa bansa mula Thailand.

Nagulat si  Eduardo Pa­guia Ponce, 62, nang salubu­ngin at arestuhin ng mga tauhan ng CIDG sa paki­kipag-koordinas­yon sa Airport Police Depart­ment paglapag lamang nito sa NAIA Centennial terminal 2  sakay ng Philippine Air­lines flight PR-731 mula Bangkok.

Dinakip si Ponce sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong illegal recruitment. Kinukumpir­ma pa ng awto­ridad kung si Ponce ay miyem­bro ng coach­ing staff ng Philippine team. Isang Atty. John Rio Bautista, miyembro ng isang task force ng Philip­pine Overseas and Em­ploy­ment Administration, ang nakipag-ugnayan naman sa Bureau of Immigration para sa pagkakilanlan ng suspect.

Upang mapadali ang pag­si­­silbi ng warrant kay Ponce, ilang airport police ang pina­poste sa lugar ng arrival/immi­gration area para sa pagko-cordon sa na­sabing lugar.

Dakong alas-6:14 ng hapon nitong Sabado mabilis na inisa-isa ng mga awtoridad ang mga pasaherong pumipila sa im­migration area hanggang sa ma­mataan at makilala  ng isang im­migration officer ang suspect matapos na iabot ang pasaporte nito para sa beripi­kasyon at  ar­rival clearance.  (Ellen Fernando)

AIRPORT POLICE DEPART

ASIAN GAMES

BUREAU OF IMMIGRATION

EDUARDO PA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with