1 pa sa Batasan blast, namatay na

Tuluyan nang pumanaw sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center ang isa pang biktima sa Bata­san blast na staff ni Negros Occidental Rep. Henry Teves. Nasawi dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi dahil sa atake sa puso ang biktimang si Vercita Gar­cia matapos ang higit isang buwang pagkaka­ratay sa ICU.

Inilipat na ang labi nito sa Arlington Funeral Parlor at  nais naman ng pamilya ni Garcia na dalhin sa kanilang bayan sa Oriental Mindoro ang labi nito upang doon iburol.

Nabatid na ikaanim na nasawi si Garcia sa na­ganap na pagpapasabog sa Bata­san Complex no­ong Nob­yem­bre 13.

Na­pag-alaman din na isang single mother ang bik­tima at may naulilang isang 6-taong gulang na anak na lalaki. Una nang nasawi sa insi­dente sina Basilan Rep. Wahab Akbar; secu­rity aide nito na si Junaskiri Hayu­dini; Marcial Talvo, driver ni Ga­briela partylist Rep. Luzvi­minda Ilagan; Maan Gale Abus­tanillo, staff rin ni Rep. Teves at Dennis Manila.        

Nasugatan din naman sa insidente sina Rep. Ilagan at Teves dahil sa pagsabog ng itinanim na bomba sa isang motorsiklo sa parking lot  ng south wing ng Batasan.

Show comments