^

Metro

Sundalong nagtakas ng preso, tugis

-

Pinaghahanap ng pulisya ang isang sundalo na  nag­takas ng  isang preso na res­ponsable sa serye ng pang­hoholdap  sa Maynila kasama ang isang pulis sa Metro Manila.

Si Sgt. Juanito Boton ng 17th Infantry Division  sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ay isa sa mga wanted kasama  ang presong itinakas na si Pedro Rodica, 24, alias Bradd Galea na nahaharap sa ka­song Robbery with homi­cide and serious physical injury  at ikinulong sa dorm 2 ng Manila City Jail.

Nabatid na si Boton ay isa sa mga humarang  sa sina­sakyan ni Rodica kasama ang kanyang escort na si JO2 Salvador Tan sa kanto ng Pedro Gil at Agoncillo Streets, sa Manila, papun­tang Makati City para sumipot sa court hearing sa RTC branch 142. Isa pa sa wanted ay si  PO2 Guimson Dulang Wata­ mama.

Nabatid na agad na tinu­tukan ng baril ni Boton si JO2 Tan at sapilitang kinuha si Rodica sa kanyang kusto­diya.

Si Ro­dica ang lider ng “Rodica group” na respon­sable sa serye ng na­kawan sa Metro Manila na bu­mi­biktima ng money changer shops.

Isa sa mga biktima ng grupo ay ang Bamboo City Money changer kung saan pinatay din ang mga emple­yado nito na sina John Galicia at Razon Santillan.

Napag-alaman na sila Santillan at Galicia ay nag-withdraw ng P5 million sa isang bangko at pa­balik na sa money changer na matatagpuan sa Cubao nang sila ay tam­bangan ng grupo ni Rodica at natangay ang pera. (Doris Franche)

vuukle comment

AGONCILLO STREETS

BAMBOO CITY MONEY

BOTON

RODICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with