Padyak boy kinatay ng ex-convict

Labing-apat na sak­sak ang tinamo ng  isang 20-anyos na sidecar boy ma­tapos  na makipagtalo  sa kanyang kainumang ex-convict kahapon ng ma­daling araw sa Tondo, Maynila.  Nakilala ang bik­tima na si   Arthur Garcia, ng Rm. 112 Bldg. C. Sam­bahayan, Morio­nes, Tondo, Maynila na  binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital. Nakilala naman ang suspect na si Ben­jamin Calibo Jr., alias Dimples, 22, walang tra­baho, ng Rm. 102 Bldg. C, Sam­ba­hayan Moriones, Tondo, Maynila.

Naganap ang insi­dente   dakong ala-1 ng madaling araw sa ground floor ng Bldg. C, Sam­bahayan, Moriones, Tondo, Maynila.  Nauna dito, nag-iinuman umano ang suspect at ang bik­tima kasama ang hindi nakilalang kaibigan sa isang karaoke bar malapit sa kanilang tinutuluyang bahay. Matapos maka­ubos ng ilang bote ng alak ay nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ng mga ito subalit naawat naman. Ilang oras lamang ang lumipas ay nagkita na naman ang suspect at ang biktima sa karinderya ma­lapit sa kanilang tinitirhang bahay at nagkaroon muli ng ma­initang pagtatalo sa pagi­tan ng dalawang na­bang­­git at doon tinadtad ng saksak ng suspect ang biktima.

Mabilis na tu­ma­kas ang salarin ma­tapos ang insi­dente. (Grace dela Cruz)

Show comments