Dedo sa unang gabi

Binalot ng karahasan ang unang Simbang Gabi sa isang Simbahan sa lungsod ng Quezon makaraang masawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek. Nakilala ang nasawi na si Rey Flores, 27, tindero, habang sugatan si Ace Montecarlo, 24, residente rin sa Commonwealth Avenue sa  naturang lunsod. Naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa ibabaw ng footbridge sa tapat ng Simbahan ng Kristong Hari sa Commonwealth Avenue. Nabatid na pababa ng footbridge ang mga biktima nang harangin umano ng mga hindi nakilalang suspek at agad na pagbabarilin bago mabilis na nagsitakas. (Danilo Garcia)

Show comments