^

Metro

Estudyante minartilyo nang dahil sa tubig

-

Kritikal sa pagamutan ang isang estudyante maka­raang paluin  ng apat na beses ng martilyo sa noo at ulo ng kanyang kapitbahay dahilan lamang sa awayan sa pag-iigib ng tubig kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Inoobserbahan ngayon sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Renato Villamor, residente ng 2514 Canoy St., M. dela Cruz, ng nasabing lungsod.

Naha­harap naman sa kasong frustrated murder ang suspek na si Marlon Belo, kapitbahay ng biktima matapos masakote ng mga rumespondeng tanod ng Barangay 133.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at pag-aagawan sa pag-iigib ng tubig sa labas ng kanilang bahay ang biktima at ang suspek  hanggang sa magkasuntukan sila. Naawat lang sila ng kanilang mga kapitbahay.

Pagkaraan ng ilang oras, nagtungo sa isang computer shop ang biktima pero sinundan pala siya ng suspek hanggang sa maabutan siya nito at hamba­lusin siya ng martilyo. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CANOY ST.

CRUZ

INOOBSERBAHAN

KRITIKAL

MARLON BELO

NAAWAT

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RENATO VILLAMOR

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with