^

Metro

‘Bagets’ bumuo ng holdup gang

-

Mga ‘bagito’ o pinani­niwalaang gumardweyt na sa snatching ang ilang kabataan na bumuo ng holdup gang at ‘next level’ na ang pinapraktis mata­pos tangayan ng mala­king halaga ng salapi at baril ang isang 47-anyos na negosyante, sa Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Sa tulong ng taumba­yan, kinuyog at dinakip­ ang isa sa naabutang sus­pek na kinilalang si  Jethro Virgo, 15, resi­dente  ng 116 A. Alfonso St., Balut, Tondo.

Pormal itong inirek­lamo ng biktimang si Pon­ciano Bautista Jr.,  resi­dente ng 1144 Camba st., Tondo.

Batay sa ulat ni PO2 Rodolfo Yanguas ng MPD-Station 2, dakong 1:45 ng madaling-araw nang pali­giran ng mga kabataang suspek ang biktima sa may panulu­kan ng Elcano at CM Recto Ave. sa Tondo.

Sa reklamo, sinabi ng negosyante na nakaupo siya at nagpapahinga sa upuan nang biglang pali­giran siya ng mga suspek na armado ng hindi naba­tid na kalibre ng baril.

Puwersahan uma­nong kinuha ang kanyang belt bag na naglalaman ng P200,000 cash.  Nang makitang mayroon siyang kalibre .45 baril ay pinag-interesan ding tangayin ito bago nagsipagtakas.

Nang humingi ng sak­lolo ang negosyante, agad namang rumes­ponde ang taumbayan.

Isa lamang ang na­a­ butan sa kanilang pag­ha­bol at matapos bug­bugin ay binitbit sa presinto.

Nabatid na ang lugar ng Divisoria o mismong sa pinangyayarihan ang puntahan ng mga snat­cher, mandurukot at hol­daper subalit ang mga kabataan ay umakyat na sa next level, mula pan­duru­kot o pami­mitas ng alahas sa bik­tima, ay nanunutok na rin upang makapang­holdap ng mas malaki ang ha­laga. (Ludy Bermudo) 

vuukle comment

ALFONSO ST.

BAUTISTA JR.

JETHRO VIRGO

LUDY BERMUDO

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with